Awit 50:14-15 (v.14) Mag-alay sa Diyos ng pasasalamat na alay, at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataas-taasan; (v.15) at tumawag ka sa akin sa araw ng kabagabagan; ililigtas kita, at luluwalhatiin mo ako.
Psalmo 46:1 Sa Punong Mang-aawit. Awit ng mga Anak ni Kora, ayon sa Alamot. Ang Diyos ay ating kanlungan at kalakasan, isang handang saklolo sa kabagabagan.
Psalmo 35:27 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang PANGINOON, Na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.