Awit 81:10 Ako ang PANGINOON mong Diyos, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto. Buksan mo nang maluwang ang iyong bibig, at ito'y aking pupunuin.
Awit 79:13 Kung gayon kaming iyong bayan, ang mga tupa sa iyong pastulan, ay magpapasalamat sa iyo magpakailanman; sa lahat ng salinlahi ang papuri sa iyo'y aming isasalaysay.
Awit 74:18 Alalahanin mo ang iyong kapulungan na iyong binili noong una, na iyong tinubos upang maging lipi ng iyong mana! At ang bundok ng Zion na iyong tinahanan.
Psalmo 68:4 Kayo'y magsiawit sa Diyos, umawit ng mga papuri sa kanyang pangalan; magtaas ng isang awit sa kanya, siya na nangangabayo sa mga kalangitan; JAH ang kanyang pangalan, magalak kayo sa kanyang harapan.