Isaias12:2 Ang Diyos ay aking kaligtasan; ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot sapagkat ang PANGINOONG JEHOVAH ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
Psalmo 43:5 Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
Awit 84:11 Sapagkat ang PANGINOONG Diyos ay araw at kalasag, Ang PANGINOON ay nagbibigay ng biyaya at karangalan. Walang mabuting bagay ang ipagkakait sa mga nagsisilakad nang matuwid.
1 Pedro 3:12 Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, at ang kanyang mga tainga ay bukas sa kanilang mga panalangin. Ngunit ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.
2 Corinto 1:5 Ito ay sapagkat kung papaanong ang paghihirap ni Cristo ay sumasagana sa amin, gayundin naman sa pamamagitan ni Cristo sumasagana ang aming kaaliwan.
Juan 12:26 Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, hayaan siyang sumunod sa akin. Kung saan ako naroroon ay doroon din angaking tagapaglingkod. Kung ang sinuman ay naglilingkod sa akin, siya ay pararangalan ng aking Ama.